Home » » JUBAN: MAYOR CAMA, BAGONG PAG-ASA

JUBAN: MAYOR CAMA, BAGONG PAG-ASA

Written By Unknown on Monday, July 22, 2013 | 2:22 AM



“ Pagsilbihan ang mga tao ng maayos at taos-puso, maging matapat sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit tayong mga nasa Gobyerno ay nandito”

            Ito ang sinabi ni Honorable ANTONIO HAINTO ALINDOGAN o mas kilala sa tawag na “CAMA”..

Sino nga ba si Mayor Cama?

Marahil marami ang nagtataka kun bakit “CAMA” ang tawag sa kanya, ito dahil isununod sa palayaw ng kanyang lolo.

            Ikalabing siyam ng Hunyo taon 1959 ng isinilang sa mundo taong babago sa istorya ng pulitika sa Munisipyo ng Juban.
Pang-anim sa pitong anak ng mag-asawang Virginia Hainto at Alvino Alindogan. Isinilang at lumaki sa North Poblacion, Juban, Sorsogon at nangarap para sa pag-unlad ng sariling bayan. Sa murang edad natuto ng pahalagahan ang lahat ng bagay sa kanyang paligid lalo na ang importansya ng pakikipagkapwa, pagtulong at pagpapahalaga sa oras, nag-aral sa mababang paaralan ng Bacolod Elementary School at ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Secondarya sa Mataas na Paaralan ng Juban Institute. Kinuha ang kursong Business Administration sa kilalang paaralan sa Kolehiyo na NCBA o National College of Business and Arts, naging manlalaro sa nasabing paaralan. Nahilig sa larong Volleyball at Basketball Kung saan naging manlalaro ng Magnolia Basketball Team sa PBL o Philippine Basketball League at nagiging tanyag sa Larangan ng Volleyball sa Labas ng Bansa.

            Dahil sa pagsusumikap at dedikasyon sa trabaho, kinuha bilang empleyado nang
San Miguel Corporation at dahil sa magandang record sa kompanya tinulungan itong mag simula nang negosyo. Sa angking galing at tibay sa pag papatakbo ng negosyo, napalago nito ang kompanya at nakilala na matagumpay na negosyante, kasabay ng pagiging mabait at mabuting amo nito sa kanyang mga empleyado.

Sa kabilang banda, nakilala nito si Mrs. Gloria Leander Alindogan, nagkamabutihan at nagpakasal hanggang mabiyayaan ng tatlong mabubuting anak na sina Gleena, Joyce Ann at Miguel Kelvin.

Taong 2010 ng mag desisyon na pag silbihan an Bayan ng Juban sa pamamagitan ng pag kandidato sa pwesto bilang Alkalde,            hindi man pinalad ay hindi ito nagging hadlang para ipag patuloy nito an pangarap para sa Juban, kanyang pinagpatuloy ang pagtulong sa mga Jubangnon sa pamamagitan ng ibat ibang serbisyo tulad ng Iskolarship, Feeding at Pailaw sa mga sitio.

Sa pagkakaisa at sigaw ng papag babago ng mga Jubangnon, taong 2013 ng mahalal sa pwesto bilang Alkalde ng bayan ng Juban. Marami man ang komontra nanaig ang pag kakaisa ng lahat ng tao para makamtan an pag babago at pag unlad na kanilang matagal nang minimithi.

Sa ngayon , tutukan ng bagong halal na Alkalde an mga programa sa Edukasyon, Agrikultura, Kabuhayan , Kalusugan, Kapaligiran at ibang pa pang programa para sa pag papaunlad ng kabuhayan ng mga Jubangnon..                                                                                                                                                                                   

Mayor Cama, bagong Pag-asa!
Share this article :

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © 2013. LGU Juban - All Rights Reserved
Proudly powered by Blogger